Header Ads

AN OPEN LETTER TO EMPOY, TONYO, AND TO All WHO ARE NOT SO POGI LIKE ME


Hindi ko alam kung saang planeta nanggaling ang mukha mo pero wala na kaming pakiaalam roon dahil may mas pake kami sa kung saang planeta nanggaling ang mga jokes mo. Hindi ko rin alam kung saang uri ng ipis nanggaling ang bigote mo dahil may mas pakialam kami sa kung saang rib cage nanggaling ang puso mo. Wala rin kaming pakiaalam kung maliit ka dahil mataas naman ang appeal ng mga banat mo dahil Empoy is the new pogi.

Aanhin ba natin ang guwapo sa mundong mapanlinlang gayong kung tunay na pag-ibig at kaligayahan ang hanap natin, bakit hindi tayo magpasakop sa mga kagaya ni Empoy. Pero gaya nga ng sinabi niya sa pelikula: It's now. It's never. Parang sumpa ang maging di kaguwapuhan sa mundong ito. Buti pa ang love birds, may love life. At minsan, buti pa ang mga hayop, may nakakatuluyan.

Pero iba ang naging tadhana mo sa pelikula, Empoy. Nakahanap ka ng tunay na pag-ibig, pag-ibig na bulag pero nakakakita. At dahil sa karakter mo sa pelikula, mas tumaas ang respeto ko sa mga tao, na baka sa loob ng puso nila ay may mas totoong pag-ibig.

Tama nga sina Piolo Pascual (excutive producer) at Binibining Joyce Bernal (creative producer) na ikaw ang piliing leading man sa romcom film na Kita Kita dahil kung hindi, hindi namin alam ang pakiramdam sa dulo ng pelikula. Hindi rin namin alam kung matatawa ba kami sa mga jokes ng pelikula kung hindi ikaw ang nagsambit. At hindi rin namin alam kung para kanino namin iaalay ang mga natutuhan namin sa pelikula kung hindi rin lang ikaw ang gumanap na bida.

Sana dumami pa ang mga pelikula mo para kahit sa pelikula ay magkaroon ng pogi points ang mga katulad nating humor na lang ang panlaban sa digmaan ng pag-ibig. Sana, dumami pa ang pelikula mo para mabawasan, kung hindi man mawala na, ang stigma ng mga babae sa mga katulad mong nakatulog yata nang magpamigay ng good looks si Lord. Sana, dumami pa ang pelikula mo para dumami la ang mga romcom movies nating maipangangalandakan nating atin dahil aminin man ng mundo o hindi, wala silang makikitang Empoy o Tonyo sa ibang lupalop ng mundo o kung saan mang sulok ng universe.

No comments:

Powered by Blogger.