Header Ads

TRENDING: MAG INGAT SA CUBAO

TRENDING: MAG INGAT SA CUBAO



Paabiso sa mga nakararami na hindi dapat tayo padalos-dalos kung pupuntang Cubao.
Share ko lang itong nangyari sakin kagabi.

8 to 8 ang schedule ko sa trabaho, 8am to 8pm. Nung pa out nako, napaisip akong pupunta ng Cubao kasi may bibilhin lang. Pasakay na ako ng jeep papuntang Cubao, ang daming pasahero, gitgitan, kaya ako yung pinakahuling nakaupo. Nung nakaandar na ang jeep, may sumigaw ng "hooo" kaya nag minor si manong drayber at lumambitin lang sa jeep yung lalaki. Akala ng drayber na may mauupuan pa, sabi ko "wala ng bakanteng upuan boss". Kaya pinababa nalang ni manong drayber yung lalaking lumambitin.

Drayber: Bumaba ka jan baka mahuli tayo!!

Hindi umimik ang lalaki, hindi din bumaba. Etong lalaking ito ay may takip sa mukha at mukhang gusgusin. (di sa sinasaway ko sya ah) Pansin nyo ba yung mga suot ng Maute group or ISIS? Ganyan yung deskripsyon ko sa kanya. Kaya di ko maiwasan na di mag-isip ng masama kasi may dala din siyang bag, isang maliit at malaki. Tapos gabi na. So yun tuloy2x nalang si manong drayber kasi ayaw naman nyang bumaba. At nung dumating na kami sa may simbahan, bumaba yung katabi kong babae. Kaya etong lalaking lumambitin, dali-daling umupo sa tabi ko. Dun na ako nangamba, di ko talaga binitawan yung pagkakatingin ko sa bag nya at baka may ilabas syang di kaaya-aya. Dumikit ako sa kanya ang pinakiramdaman ko kung anong laman nung maliit nyang bag, may matigas akong bagay na naramdaman na parang baril o granada. Di ako sure.

Pagdating ko sa jeepney stop, bumaba nako at naglakad pa Cubao, pagdating ko dun sa may tahimik na lugar, na shock ako kasi may humawak sa balikat ko. Paglingon ko yung lalaki pala. Nagtanong sya

Lalaking parang ISIS: brad anong nahawakan mo sa bag ko??

AKO: (nangamba sa takot) wala naman brad, nadampi lang ng di sinasadya. (nanginig nako sa takot at di ko alam kung tatakbo ba ako o hindi)

Lalaking parang ISIS: Kung ano yung nahawakan mo atin2x lang yun. Bigay mo sakin 500 mo, nakita ko may 500 ka nung nagbayad ka sa jeep.

AKO: ha? wala akong 500, bente lang meron ako (sobrang nangingig nako)

Lalaking parang ISIS: Bigay mo na wag na madaming satsat!! (Galit na yung puta)

AKO: (nanginig pero kinontrol ko sarili at di nagpadala sa panic) Tignan ko lang brad kung meron ba talaga.

Totoo meron talaga akong 1.5k sa bulsa ko nun pero nagdadalawang isip ako nun baka kasi 1k yung makuha kong papel sa bulsa hindi yung 500 kaya nagdasal ako na 500 yung makuha ko, bahala na kung anong makuha ko basta makatakas nako sa lalaking yun.

AKO: Eto brad oh.
At 500 talaga yung nakuha ko medyo nahimasmasan ako ng konti. Sabi ko sa kanya aalis nako kasi wala kanang makukuha sakin.

Yun tuloy2x na yung papunta kong Cubao, malapit nako nun nung biglang hinabol nya ako, gusto kong tumakbo kaso malapit na sya kaya di nalang ako nakatakbo.

Lalaking parang ISIS: Sandali lang, halika dito.
(Bumalik na naman yung takot ko hayop na lalaki to ang sarap kilitiin ng kutsilyo amp)

AKO: ano yun brad? wala nakong pera uuwi pakong probinsya(nagsinungaling nalang ako para makatakas) wala na nga akong pamasahe nasa sayo na lahat, kung galit ka sakin dahil dun sa bag mo, oo totoong may nahawakan ako na matigas pero di na ako nag mind nun.

Lalaking parang ISIS: Oh eto!!
May binigay sya di ko alam kung ano pero natatakot ako.

AKO: Ano to?
Nung tinignan ko, na schock ako.
Binigyan nya ako ng 1K pesos.

Lalaking parang ISIS: Oh eto, bayad ko yan sa cavs. alam kong magchachampion ang gsw. Kaya ko hiningi 500 mo para may sukli agad.

Tapos kinuha nya yung takip sa mukha nya.

AKO: Ikaw pala yan brad!!! (kaibigan ko pala). Takot ako sayo gago ka nagtakip kapa sa mukha.
Lalaking parang ISIS: Nahihiya kasi ako. champion kasi yung cavs nun at meron pang Defend the land ang mga pucha pero na 4-1 lang pala.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!
#PeaceSaMgaCavs
Salamat sa pagbasa hahaha.

No comments:

Powered by Blogger.