Header Ads

Milyong Halaga Na FAKE SafeGuard, SunSilk At Iba Pang House Products Nadiskubre Ngayon Ng Custom Police

Milyong halaga ng mga fake na pagawaan ng shampoo ang nadiskubre ngayon ng custom police sa pangunguna ni Col. Neil Estrella, Director ng custom for Intilligence Group na nakadiskubre dito sa SIS 5 Industrial Complex # 68C Mercado st., Barangay Tabe, Guiguinto Bulacan.



Mismong mga Representative ng Joy, Cream Silk, Dove, Volga Super 5, W40, Sunsilk, Safe Guard at iba pa ang nagkomperma na fake umano ang nahuling mga produkto na pagmamay-ari ng hindi pa pinangalanang negosyante.

Sa isang bodega kung saan mayroong pagawaan ng sachet na Safe Guard at Kojic habang sa pangatlo ay fake na Marlboro, Gillette Blade, Gel sa buhok Gatsby, Solignum, Cetaphil, Tianshi Insect Killer, fake rice from Tan Thanh An Co. Ltd. Ice nober. Hello Kitty bag at napakarami pang iba.



Posible umano naipakalat na sa buong Pilipinas ang umano'y mga Pekeng Produkto partikular na ito ang ibinibenta ngayon sa mga lansangan na ipino promo. "Buy One Take One" at napaka mura pa.



Napag alamang ang RIS 4,5 at 3 ay pagmamay-ari umano ni dating Mayor Isagani Pascual, na pinauupahan sa mga negosyante.

Sinabi ni Col. Estrella sa inisyal na halaga ng nakumpiska ay nasa Bilyo Bilyong halaga na ang mga produktong nakumpiska.

Sa tala ng Custom ay nasa 40 bodega ang may ganitong kahalintulad kung saan ay positibo na ang apat na sinalakay.


No comments:

Powered by Blogger.